
“Magpamalas ng maayos at magalang na pag-ugali” Yan ang nilagay ng adviser ko sa report card ko nung high school. Mabait naman akong bata eh. Madalas nga akong tahimik. Pero once na personalan na, asahan niyo na sasabog ako.
Case No. 1 Naaalala ko pa noong in-announce yung gaganaping induction ball para sa mga parents. Asar na asar ako sa event na yun kasi wala namang a-attend na magulang sa kaso ko. Hiwalay parents ko, I am staying in a boarding house, busy mom ko sa trabaho at nasa Quezon City siya, walang balita sa papa ko, wlang mapakisuyuan na relatives, meaning, walang makakapunta. Sabi ko sa teacher ko, “Paano po yung hindi makakapunta yung parents?” In-insist ng adviser ko na papuntahin ko parents ko. I explained the situation pero wala pa ring nangyari. Kailangan ko daw sila mapapunta or else, lagot ang grade ko sa Values. Eh nasa science lab kami that time. Napaiyak ako, nagtago ako sa ilalim ng lababo. Hindi ko siya pinansin.
Maraming ganyang scenario sa school noon. Hirap kasi pag broken family tapos may mga ganyang activities. Asar ako sa mga ganyang event. Lalo na pag may family day, MAGSITIGIL KAYO!
Case No. 2 Ayaw ako pasalihin sa contest sa school namin. Overqualified daw. SUS! Sinungaling! OK, ganito kasi yan. Mula first year sumasali na ako sa vocal solo. Kasama ako sa Top 3 pero hindi naman ako yung 1st. Minsan lang. Tapos yung laging nananalo(1 year my senior), pinapasali nila kahit nananalo lagi tapos ako hindi. Nang magpalista ako, timanggal nila yung name ko. Talk about being way too unfair! Kahit anong gawin ko, ayaw ako pasalihin. Umiyak ako. Nandun ako sa ilalim ng table sa classroom namin. Sinamahan ako ng mga friend ko magwala sa ilalim ng lamesa. Kami lang tao nun. Ulit ulit namin kinakanta ng malakas yung sanang contest piece ko.
Ilang beses din yan naulit. Gusto ko lang naman ipakita yung talent ko eh. Masama ba?
Case No. 3(Ang pinakamalala) May kinalaman din sa talent pero matindi. Music Festival sa school. Ako ang representative ng section namin. Christmas season na noon. Nakahanda na ang piece ko. All I Want For Christmas Is You ni Mariah Carey. Inayusan na ako ng classmates ko. Handa na ang maroon kong dress at sandals with black bows. Ayos! Practice practice tapos todo support ang friends ko. Ayan na! Umakyat ako sa stage and I gave my best. Palakpakan ang friends ko! Umakyat muna ako sa room namin after para magbihis. Nandun na rin yung iba kong classmate na lalaban naman sa modern dance. Biglang may student na kumatok at sinabing pinapatawag ako ni Mr. Panaligan(may pakana ng event na yun, also known as Sir Ato). Bumaba naman ako. Punta ako sa faculty room. Pinakita niya sa akin yung listahan ng contestants. May mark yung name ko like this: April L. Venus HANGSAKIT! Sabi ko bakit. May nagreklamo daw na teacher at sinabi daw,“Bakit kasali si Venus? Tanggalin na yan diyan!”(See Case No. 2 para malaman kung bakit). Intermission number na lang daw yung ginawa ko. Di na ako contestant! That was unfair! Sana sinabi nila sa akin earlier para alam ko. Takbo ako nun sa room namin. Nagtataka yung mga calssmate ko kung bakit ako umiyak bigla. Ito sinabi ko sa kanila: “Pag umakyat dito si Ato at hinanap ako, sabihin niyo wala!!!” Dinamayan nila ako habang nagmukmok sa ilalim ng table. Tuloy ang practice ng iba nang biglang dumating si Sir Ato.
Sir Ato: Si Venus?
Classmates: Wala po dito.
Sir Ato: Si Venus nga?(Di convinced)
Classmates: Wala nga po!
Sir Ato: Si Venus sabi!
Classmates: Di mo nakita sir? Tumalon na sa labas dahil sa sama ng loob!
(Pagkaalis ni Sir)Classmates: April, labas na. Wala na siya. Hayaan mo na yun.
Nagalit yung isa kong teacher dahil sa ginawa sa akin. Ang sama talaga ng loob ko. Ayun, awarding na. Wala na akong in-e-expect. Dinisqualify nga ako ng walang ginagawa eh! Ayun, bigla tinawag yung pangalan ko. 3rd place daw. Nagulat naman ako kasi tinanggal yung name ko tapos binigyan ako ng award?! INSULTO! Ganito kasi yan, kinausap yata sila na bigyan ako ng consideration kasi nakakanta na ako. First dapat ako kung walang nangyari. Eh wala na eh. Bilang consideration sa effort ko, ginawa na lang akong 3rd place(kwento yan ng teacher na naawa sa akin). Nainis naman ako. I tried to act normal. Akyat sa stage. Kuha certificate. Sabit bronze medal. Here it is! I stepped forward with the certificate in my hand, and I TORE IT IN HALF, QUARTERS, EIGHTS, AND TINY PIECES AND LEFT IT ON THE STAGE. I TOOK OFF MY MEDAL, WENT OUTSIDE THE HALL WITH THEIR EYES FOLLOWING MY DIRECTION, AND THREW THE MEDAL OUTSIDE.
Di ako pinatawag sa office. Di nila ako kinausap. Alam kasi nila na mali yung ginawa nila eh. Pumalakpak yung classmates ko and said.“They deserve that April! Good job!!!!” Whew! Ayan nga lang yung reaction nila, nilagay sa card ko.